May bilang na 418 Sugponians at beneficiaries ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantager/Displaced Workers (TUPAD) ang tumanggap ng cash assistance sa ginanap ng pay-out noong Sabado, 1 June 2024, sa Municipal Covered Court kung saan dinaluhan ni Ilocos Sur Governor Jeremias C. Singson.

Malugod na tinanggap nina Sugpon Mayor Daniel C. Laño, Jr. at Vice Mayor Rene Crisanto L. Lubrin, kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan at mga empleyado ng Munisipyo sina Gov. Singson.

Kabilang pa sa mga dumalo ay sina Regional Director Exequiel Ronie A. Guzman at Assistant Regional Director Honorina Dian Baga ng Department of Labor and Employment Region I, at sina Ilocos Sur OIC – Provincial Director ng DOLE na si Charity A. Ubilas at Madelaine Salvador, ang Provincial PESO Manager ng Ilocos Sur.

#SIGESugponSIGI