TINGNAN | 62 magsasaka ng Sugpon, Ilocos Sur na naging benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD ang tumanggap kanina ng kanilang sahod.
Ang nasabing TUPAD ay program ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipagtulungan nina Ilocos Sur 2nd District Representative Kristine Singson – Meehan at Ilocos Norte 2nd District Representative Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos.


53 na magsasaka ang napili sa pag-aasikaso ni Rep. Singson – Meehan at 9 naman ang kay Rep. Marcos.
Dinaluhan ang nasabing pay-out ng mga kinatawan ng DOLE – Ilocos Sur Field Office na si Charity A. Ubilas at kinatawan ni Rep. Singson – Meehan na si Edgar Allan Ligon.


Mainit naman silang sinamahan ni Sugpon Vice Mayor Rene Crisanto L. Lubrin.

SIGESugponSIGI