AGRIKULTURA’Y PAGYAMANIN | Inilungsad sa Sugpon, Ilocos Sur ang kauna-unahan o kick-off ceremony ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Program Seed Distribution and Program Briefing sa buong Rehiyon 1.
Ang RCEF ay may layuning gawing sapat ang supply ng bigas sa buong bansa at gawing epektibo at kayang makipagsabayan sa buong mundo ang sektor ng agrikultura ng Pilipinas, ayon sa mandato ng Republic Act 11203.
Ito ay programa ng Kagawaran ng Agrikutura sa pakikipagtulungan ng Philippine Rice Research Institute, Philippine Center for Postharvest and Mechanization, Agricultural Training Institute, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at mga financial institutions katulad ng Development Bank of the Philippines at Landbank na siyang magbibigay ng mga abot-kayang pautang para sa mga magsasaka ng bigas kung saan gagamitin ito sa pagtatanim ng palay.
Naging katuwang din ang Office of the Provincial Agriculture ng Ilocos Sur at ang LGU ng Sugpon ang naging pangyayaring ito.
May humigit-kumulang 80 na magsasaka sa Sugpon ang nakibahagi sa paglulungsad na ito at sa huli ay nakatangap sila ng mga binhi ng palay na itatanim.
Ang Sugpon at ang Binalonan, Pangasinan pa lamang ang may eskedyul sa programang ito sa buong Rehiyon 1.