Menu
216994394_6184107038273977_1337823433159259926_n

August 5 at 5:27PM

JUST IN | Bagamat binawi na ang soft lockdown sa Pangotan at Danac, ikinalulungkot naming ibalita na may isa na naman tayong kaso ng COVID-19 sa Balbalayang (Poblacion), Sugpon, Ilocos Sur kaya naman tuloy pa rin ang localized modified enhanced community quarantine sa kabisera ng bayan.

August 5 at 5:03PM

BREAKING NEWS | Binawi na ang localized enhanced community quarantine na ipinataw sa Pangotan at Danac sa Sugpon, Ilocos Sur pagkatapos mag-negatibo sa RT-PCR o swab tests ang mga pasyente mula sa nasabing dalawang barangay, kasama na ang mga close contacts nila.
Ang Sugpon ay sasailalim na sa General Community Quarantine with heightened restrictions ayon sa latest classification na ipinataw ng national government.