Sa mga nakalipas na araw ay ipinamahagi na sa mga karapat-dapat na benipisyaryo ang mga alagang baka at kambing. Ito ay napondohan ng livelihood program ng Munisipyo mula sa share sa RA 7171 o tobaco excise tax.
Nauna na rito ang pamimigay ng mga alagang isda at baboy noong nakaraang taon. Ngayong araw naman ay naipamahagi na ang mga alagang manok. Hindi naging madali ang pagpili sa mga tumanggap sa mga naturang alagang hayop dahil sinigurado ng Opisina ng Agrikultura, na siyang nangangasiwa sa mga proyektong ito, na hindi mapupunta sa kawalan ang mga ito.
Kinailangan ng mga guarantors sa mga ibang alaganh hayop, na silang mananagot sa babayaran kung sakaling mamatay o may mangyaring masama sa mga ito, sa kadahilanang kasalanan ng mga nakatanggap.Inaasahan ng Munisipyo na aalagaan nang wasto ng mga benipesyaryo ng mga halagang hayop na ito upang tuloy-tuloy sa mga susunod pang mga taon.Ang livelihood program na ito ay parte na rin ng tugon ng Munisipyo na matulungan ang mga naapektuhan ng pangkabuhayan dulot ng pandemyang COVID-19.