Nagkaroon ng pay-out o pamamahagi sa suweldo ngayong araw ng 314 na residente ng apat na barangay ng Sugpon, Ilocos Sur na nagtrabaho sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay ng ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD mula sa pondo ng Department of Labor and Employment (DOLE) – Ilocos Sur Field Office at Provincial Government ng Ilocos Sur (PGIS).
Ang mga barangay na ito ay ang Balbalayang (Poblacion), Pangotan, Banga, at Caoayan.
294 ang pinondohan ng DOLE at 20 naman sa PGIS.
Ang mga nasabing TUPAD beneficiaries ay nagtrabaho sa loob ng sampung araw sa iba’t ibang community services at riprapping.