Hinandugan ng tulong pangkabuhayan o puhunan ng Department of Trade and Industry ang labin-limang (15) store owners mula sa iba’t ibang barangay ng Sugpon, Ilocos Sur.
Tinawag na Distribution of Livelihood Seeding Program – Negosyo Serbisyo sa Barangay, dinala nina Ilocos Sur Provincial Director Grace Lapastora ng DTI at Bokal Jaime Singson, Chairman ng Committee on Trade and Industry ng Sangguniang Panlalawigan ng Ilocos Sur, ang mga naturang tulong pangkabuhayan.
Ito ay malugod na tinanggap ng mga sari-sari store owners mula Licungan, Caoayan, Banga at Balbalayang (Poblacion) sa pangunguna nina Sugpon Mayor Daniel C. Laño, Jr. at Municipal Agriculturist, Victoria Sumagca.